Monday, September 21, 2009

PARA SA MGA GUSTONG MAGING BAYANI NG PILIPINAS....ITONG SA'YO!


Excited akong i-share ang nakakamove na mensahe ng binasa kong aklat kagabi..Kapitan Sino ni Bob Ong...

1. "Sinabi ko lang naman gamitin mo lakas mo sa pagtulong sa iba, di ko sinabi na gayahin mo si Mighty Mouse!"

2. "Kung ano yung meron ka ibibahagi mo sa iba, kung ano yung kaya mo ginagawa mo. Yun yon e! Ba't ka umaalalay sa matanda sa pagtawid sa kalsada?Kasi kaya mo. Ba't mo pinupulot ang batang nadadapa? Kasi kaya mo. May lakas ka para itama ang mali, para tumulong sa mahihina.."

3. "Wala akong paningin. Hindi ako nakakakita ng maskara. Kung sino ka talaga, yun ang nakikita ko."

4. "Alam mo ba ng pinagkaiba ng mga bulag at mga nakakakita?...Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag."

5. "Hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.

6. "Hindi kulang ang kapangyarihan ng tao. Tayo ang kalabisan. Ilusyon. Ipinangdadahilan para sa mga pansarili nilang kapakanan."

7. "Tungkulin mong tumulong sa kapwa dahil may kakayahan ka at gusto mong tumulong. Pero huwag mong kakalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo maililigtas lahat ng tao. Hindi ikaw ang unang nagtangka...hindi ikaw ang magiging huli..hindi ka solusyon. Pero hindi dahilan yon para mawalan ka ng pag-asa at tumigil sa pagbibigay nito."

8. "Gawin mo ang tingin mong nararapat bilang tagapagligtas pero wag mong pababayaan ang srili mo bilang anak ko." (As if God is talking...)

9. "Maging bayani ka sa sarili mong buhay."

10. "Tutulong ka lang sa kapwa...hindi mo kailangan ng pangalan."

11. "Naghahanap ang mga tao ng iba na magliligtas sa kanila. Dahil hindi siya yung iba na 'yon, wala silang ginagawa. Walang nagbabago. Walang may gustong magbago. Naghihintay ang lahat sa iba, yung hindi nila katulad."

12. "Paano ba magbago" Kung gagawa ka ng iba pang pagbabago, kahit maliit, isa sa bawat buwan ng taon."

13. "Sa pagiging Kapitan Sino ko lang naisip na ang tanong ay hindi KUNG BKIT MAGULO ANG MUNDO, kundi KUNG ANO ANG MAGAGAWA KO."

14. "Kung lahat ng tao ay may kapangyarihan, e di sana lahat tayo bayani.
Kung lhat ng tao ay may konsensya, hindi kailangan ng bayani.
Paano yung nadidisgrasya?
Hindi hawak ng tao ang buhay buhay pero hawak ng tao ang kapangyarihan para hindi
pahirapan ang ibang tao.

15. "Wala naman napapala ang bayani kung lalagyan mo ng bulaklak ang puntod niya. Ang
pagrespeto sa bayani, pagrespeto sa mga ipinaglaban niya. Pangalagaan mo ang kalayaan. o ang magandang buhay na pangarap niya para sa lahat."

16. "May kapangyarihan ka, pero hindi mo hawak ang buhay ng tao...Kinatakutan ko ang responsibilidad na pasan ng kapangyarihan. Hindi ko kayang ipangako na hindi ko magagamit ang kakayahan para sa pansariling kapakanan."


Touch? Uhmmmn...sa mga tinamaan nagmistulang fireworks na ang katawan ng bumasa nito..hehe..jokeness..Gusto ko sanang ipabasa ito sa mga gustong maging presidente ng Pilipinas..share niyo sa iba or bumasa na lang kayo ng aklat na ito...Kapitan Sino by Bob Ong...sa susunod ulit..